Pagsamo Lyrics


Oh, no, no, no, no, no, no

Kung bibitaw nang mahinahon, ako ba'y lulubayan ng ating

Mga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing?

Mga pangako ba'y sapat na upang muli tayong

Ipagtagpo ng hinaharap?

Ba't pa ipapaalala?

'Di rin naman panghahawakan

Ba't pa ipipilit

Kung 'di naman (kung 'di naman) tayo ang

Para sa isa't isa?

'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon

Para sa isa't isa? Oh, whoa

Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?

Siguro nga'y wala nang natira sa mga sinulat mo na para sa 'kin

Alam kong luha ang bumubura ngunit hayaan mo na lang

Walang saysay ang panalangin ko kung 'di ako ang hahanapin mo

Kahit sigaw pa ang pagsamo ko sa 'yo, bakit 'di mo dama 'to?

Ba't pa ipapaalala?

'Di rin naman panghahawakan

Ba't pa ipipilit

Kung 'di naman (kung 'di naman) tayo ang

Para sa isa't isa?

'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon

Para sa isa't isa? Oh, whoa

Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?

Para sa isa't isa (sa isa't isa)

'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon (tayo, tayo)

Para sa isa't isa? Oh, whoa

Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon? 

Facebook Comments APPID

728x90

Powered by Blogger.